Mamma Mia! Ito ay Italyanong salita na may literal na kahulugan na “nanay” o “aking nanay”. Isang ekspresyon na nagpapahiwatig ng matinding emosyon tulad ng takot, gulat, saya, lungkot o hirap. Sa Salitang Ingles, ang katumbas nito ay “wow”, “oh my gosh”, “oh boy” o “oh man”. Sa milenyal na linggwahe, pwede nating sabihing “kaloka” o “oh em gee”!

Totoo namang ‘pag ikaw ay isang ina, wala kang hindi kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong pamilya o mahal sa buhay. Lahat ng bagay, kay nanay may paraan. Mahirap pero masaya sa pakiramdam. At dahil madalas na mas inuuna ni nanay ang maraming bagay kesa sa kanyang sarili, kumusta na ba ang ating aspetong pisikal, emosyonal at spiritwal?

Narito ang mga MAMMA tips para manatili ang nanay-sigla, inside and out, sa kabila ng mga ganap sa buhay.



Walang superpowers ng Avengers o anumang magic ang tatapat sa lakas na nagmumula sa Diyos. Dumadaan ka man sa lubak, patag, putikan, kapaitan o roller coaster ng buhay, kung umpisa pa lang ng araw ay inilagak mo na ang iyong sitwasyon sa Diyos, Siya ay tapat na tutugon sa pangangailangan mo. Kapit lang besh, God knows best!




Umpisa pa lang ng araw ay simulan mo nang magpaganda, gumawa ng skincare routine at magdamit nang maayos, kahit na magwawalis o maglalaba ka lang. Tiyak, mas magaan ang gawain ‘pag mas confient ka sa sarili mo. ’Yung tipong, walang pwedeng sumira ng araw mo dahil sayang ang ganda mo, kapag pumatol sa negative vibes ng life. Lumayo sa depressing circles para di dumami ang wrinkles.




Lahat ng tao ay kailangan ng pahinga. Magplano ng isang simpleng bakasyon once a month, o kung kaya ng budget, paghandaan ang isang bonggang bakasyon once a year, kasama ang pamilya, kaibigan o mga taong nagbibigay sayo ng kasiyahan at inspirasyon. Isantabi muna ang stress ng trabaho o negosyo, ilaan lamang ito sa pag-a-unwind o pagsasaya.




Sa dami-dami ng gagawin, kailangan natin ng masiglang pangangatawan. Tiyaking may at least 6-8 hours na tulog. Kung kaya, umidlip sa tanghali kahit 1 oras. Bawasan ang pagkain ng fatty foods. Sumali sa mga free Zumba classes ng Barangay. Uminom ng vitamin C pampalakas ng resistensya. Wag ipagwalang-bahala kung may nararamdamang sakit, kumonsulta agad kay Doc, para kalusugan ay okidoks!




Lahat tayo ay maaaring makaranas ng panghihina, depression at anxiety. Wala itong pinipili. Lahat ng superhero ay may side-kick. Di natin kayang mag-isa. Sa mga sitwasyong ito, maliban sa pagdulog sa Diyos, humanap tayo ng taong mapaghihingahan natin ng mga hinaing sa buhay, makikinig at makakapag-boost ng ating morale. Remember, winter, spring, summer or fall, all you got to do is call, and I’ll be there, yes I will, you got a friend.